// // Leave a Comment

Si Alden o Si Bossing




Let's play a little game. Ready?

Kung papipiliin ka, sino ang pipiliin mo kina Bossing Vic Sotto at Alden Richards?

Kung gusto natin kiligin, walang kaduda dudang si Alden. Dimples pa lang pamatay na, di ba.

Kung medyo thunder cats ka na, malamang si Bossing pa rin ang peg mo, mwah mwah tsup tsup.


Ako Bossing Vic Sotto pa rin!  

O, hindi pa naman ako ganun ka-thunder cat. Actually mas peg ng nanay ko ito(sorry ma)

BAKIT? yan malamang ang sigaw mo.

Simple lang, karamihan ng artista ay gwapo at magaganda, lahat sexy at kakilig kilig, umamin ka...me crush ka kay Jose (hehehe)

Pero hindi lahat ng artista tumatagal sa industriya na katulad ni Vic Sotto.  

Hindi natin makakaila na si Vic has a huge net worth because of his businesses - un mga nakikita at hindi natin nakikita.

Noong Oct. 24 Sabado, tinilian natin lahat si Alden (siyempre kasama si Yaya Dub) pero ang kumita sa history na nangyari ay ang mga producers, kasama na si Vic Sotto (opo, isa po siya sa mga may-ari ng Tape Inc.)

Sa ating mga Team Bahay man, lalo na sa Team Arena at kahit pa ang Team Replay(wooa -Regine's tone) panahon, pagod, pera at malamang lahat ng sponsors nila binili at bibilan pa natin. 

Kahit walang commercial ang 5 oras na Tamang Panahon show, siguradong ilang beses niyong nakita sa screen ang mga sponsors

Siguradong, matatandaan niyo rin ang fast food chain, bangko, sabong panlaba atbp. na ilang beses na nag-flash sa screen niyo at inisa isa pa ni Frankie (Arenolli) sa dance number niya at jacket.

Sa susunod na tayo ay bibili, mas malamang na matatandaan nyo ang mga brand na iyon at iyon ang dadamputin niyo sa grocery.

Ito ang power ng ating subconscious. Everything that we see and hear over and over again ay naiiwan sa ating subconscious mind. 

At ito ang pinaka mabisang marketing strategy.

Napapansin mo ba, lahat ng pinanonood mo sa TV ay yumayaman.

Yun mga taong nanonood, ganun pa rin ang buhay.

Pero wag kang mag-alala, merong paraan para maki-join sa kanila - through the stock market.

Choice mo ang pagyaman.

At para maabot mo ang iyong mga panagarap, meron kang choices.

Pwedeng pwede kang tagapanood lang pero pwede rin naman viewer na and investor pa, db?

Kaya maging wais tulad ni Bossing!

Sino na nga pala ang peg mo?


Enter You Email For Your Free Subscription To 
Be Rich. Be Wealthy. Be Free.


0 comments:

Post a Comment