Maraming
nag-iisip, na kapag merong nag-invite sa ‘yo na mag
-invest
sa stock market, automatic na ito ay isang networking.
Sagot:
Hinding hindi, malayong malayo.
Ang
marketing or ang tinatawag na MLM (Multi-Level Marketing) kadalasan kailangan
mag-recruit ng tao at magbenta ng produkto.
Habang
dumadami ang nabebenta mo lumalaki ang kita mo, ganun din sa nagrecruit sa ‘yo.
Bonus
rin, kung ang mga narecruit mo ay masipag din magbenta dahil sa bawat benta
nila meron kang porsyento dito.
Hard
labor ang tawag ko dito dahil kailangan mong magkumbinse ng tao na magtitiwala
sa produkto mo.
Ibang iba
sa stock market.
Ang stock
market ay isang palengke ng mga malalaking kumpanya kung saan nagbebenta ang
mga broker ng part ng pagmamay-ari ng kumpanyang nirerepresent nila.
Tulad ng
bilihin sa palengke, bumababa o tumataas ang presyo depende sa season.
Hindi mo
kailangan magbenta, hindi mo kelangan magrecruit.
Tinutulungan
mo sila madagdagan un puhunan nila para ma-expand un business nila.
Ikaw
bilang mamimili, pipiliin mo un meron quality.
Yung
kumpanyang matatag at malaki pa ang posibleng kikitain. Ang tawag dun ay blue
chips companies.
Read: What is a Blue Chip?
Read: What is a Blue Chip?
Ang tawag
ko sa pag-iinvest sa stock market – passive income.
Opposite
di ba ang hard labor at passive income
Marami
talaga ang nakaka miss ng opportunity dahil sa maling akala.
Katulad mo, years ago wala rin akong kamalay-malay tungkol diyan.
Pero nung nalaman ko, ang nasabi ko lang "Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"
Pero nung nalaman ko, ang nasabi ko lang "Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"
Kaya kung
interesado kang maging investor kaysa maging recruiter, pag aralan mo ang pag—invest
sa stock market.
0 comments:
Post a Comment