// // Leave a Comment

Cause I'm Dreaming


(Photo: Asleep & Dreaming)

Malamang narinig mo na ang katagang "Libre ang mangarap".

Libre nga ba mangarap? Yan ang malaking katanungan.

Siguro kahit yung kaibigang mong ewan meron din pangarap.

Pero pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan ba? (me naaalala kang kanta noh)

The desire to dream starts from the heart.  

It is a daily decision to be where you want to be.

But you have to own it and act on it.

Huwag kang umasa sa ibang tao para tuparin ang mga pangarap mo.

Huwag mong isipin na meron kang mamanahin, o di kaya responsibilidad ka ng gobyerno o umasa sa boss mo na bibigyan ka ng malaking bonus.

Kailangan gumawa ka ng paraan para maingat ang sarili mong estado.

Isa na dito ay lawakan mo ang kaalaman mo kung paano mo mapapalago ang kaunting kayamanan mo ngayon.

Hindi iyan dadating sa harapan mo, alalahanin mo hindi yumaman si Juan Tamad. 

You have to get up, learn and take action.

Don’t just look for opportunities, create it.

At the end of the day, the more you know the more opportunities you can create for yourself and for your family.

Huwag mo sana isuko ang buong buhay mo sa kinsenas at katapusan lang.  Hindi ko sinasabi na maging petiks ka.

Ang sinasabi ko ay maglaan ka ng pagkakataon para umunlad at makagawa ng ikahihigit mo pa sa kung ano ang kaya mo ngayon.

Oo alam ko mahirap, pero mas mahirap ang maging mahirap panghabang buhay.


Tanungin kita ulit, libre nga ba mangarap?


Enter You Email For Your Free Subscription To 
Be Rich. Be Wealthy. Be Free.


0 comments:

Post a Comment